eGOVPH at eLGU program, DICT, pormal nang inilunsad ng DICT sa Catanduanes

BNFM BICOL – Pormal nang inilunsad ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang eGovPH at inumpisahan ang eLGU sa Catanduanes noong Hulyo 1.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga matataas na opisyal ng DICT, mga lokal na opisyal, at iba pang mga stakeholders. Layunin ng eGovPH na mapabilis ang transaksyon sa pagitan ng gobyerno at mamamayan sa pamamagitan ng mga web-based internet applications at information technology.

Ang eGovPH, na kilala rin bilang e-Government Philippines, ay isang mobile application na nagpapadali sa pag-access ng mga serbisyo ng gobyerno. Sa paglulunsad, ibinahagi ng DICT ang kahalagahan ng mabilis at konektadong mga portal ng gobyerno. Ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan ay nagpakita ng suporta sa proyekto sa pamamagitan ng paglagda sa isang Commitment of Support.

Sa pagtatapos ng seremonya, nagbigay ng Certificate of Appreciation ang DICT sa kanilang mga partner agencies bilang pagkilala sa kanilang suporta. ### Rumer Grant, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *