Eid’l Fitr, ipagdiriwang bukas

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Muslim Community sa Brgy. Oro Site sa lunsod ng Legazpi na dapat ay magsisimula ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan ngayong araw.

Subalit, dahil sa hindi nakita ang buwan kagabi, ililipat ang pagdiriwang bukas, Abril 22, batay sa kumpirmasyon ni Grand Mufti of the Bangsamoro Abuhuraira Udasan matapos ang isinagawang tradisyunal na moon-sighting activity.

Ang Ed’l Fit’r ay isang mahalagang okasyon sa relihiyong Islam na kilala run bilang festival of the breaking of the fast at ito ay dumarating matapos tupdin ang mga aral mula kay Allah.

Kung matatandaan, idineklara ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ang Abril 21 bilang regular holiday dahil sa Eid’l Fit’r.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *