Eid’l Ftr sa Naga naging mapayapa; magandang image ng mga muslim sa Naga napapanatili

NAGA CITY- Naging payapa at makahulugan ang pagdiriwang ng Eid’l Ftr sa Naga City.

Ito ay ayon kay Mike Mustapha ng Muslim Affairs Office sa naging panayam ng Brigada News FM Naga. Pasado alas-7 ng umaga kanina nang magsama-sama sa pagsamba ang mga mananampalataya sa Islam. Nasundan ng pagsalo-salo at namahagi ng food packs.

Ayon kay Mustapha naniniwala silang walang masamang epekto sa katawan ang Ramadan o pag-aayuno ng 40-araw, disiplinado aniya sa tamang oras ng pagkain.

Pasalamat ang Muslim Community dahil naka suporta sa kanila ang LGU Naga at Naga City Police Office. Daan din ito upang manatiling maayos ang imahe nila sa lungsod.

Ang mga nalilihis aniya ng landas ay tulong-tulong nilang ginagabayan upang hindi maging pasaway sa komunidad.

Sana aniya ay hindi na sila maikakabit sa masasamang gawain, at sana aniya ay huwag magamit ang kanilang pangalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *