EJ Obiena, 4th place sa Berlin tournament

Nagtapos ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena sa ikaapat na pwesto sa katatapos lang na International Stadionfest sa Berlin, sa kabila ng naitala niyang panibagong Asian record.

Bigo si EJ na mapanatili ang kaniyang makasaysayang talon na umabot sa 5.93 meters sa Austria, nang umabot lamang ito sa 5.91 meters.

Bigo rin sa 5.91 meters si KC Lightfoot, ngunit nagawa niyang makumpleto sa iisang attempt lamang ang 5.81 meters kumpara sa three attempts ni Obiena.

Dahil diyan ay napunta sa American representative ang bronze medal habang nalaglag naman si Obiena sa ikaapat na pwesto ng kompetisyon na may 11 kalahok.

Pareho naman lumusot sa 5.91 meters ang iba pang Americans kabilang na sina Sam Kendricks at Christopher Nilsen na nakasungkit sa gold at silver medals.

Naitala nina Kendricks at Nilsen ang 5.96 meters, at kalaunan ay sinubukan ang 6.01  meters ngunit parehong nabigo.

Noong Sabado ay naitala ni Obiena ang 5.93 meters sa 2021 International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria na dahilan para mabasag nito ang matagal nang Asian record ng Kazakhstan national na si Igor Potapovich na 5.92 meters na naitala nito sa France noong 1992.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *