EJ Obiena, gumawa ng panibagong Asian record

Nagtala ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena ng panibagong national at continental record sa ginanap na International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.

Ito ay matapos ma-clear ng 25-anyos na si Obienna ang 5.93 meters, na dahilan para dominahin nito ang nasabing torneyo.

Nalampasan ni Obiena ang dating ASian mark ni Igor Potapovich ng Kazakhstan na 5.92m na naitala nito sa France noong 1992.

Binasag rin ni Obienna ang sarili nitong record na 5.91m na nairehistro nito sa Paris leg ng Diamond League noong nakaraang buwan.

Samantala, nasungkit naman ni Matt Ludwig ng Estados Unidos at Ersu Sasma ang silver at bronze sa naturang kompetisyon.

Bago nasungkit ni Obiena ang gintong medalya ay nagkaroon ito ng tatlong attempts, kung saan ay sa huli ay nagawa na niyang mabago ang Asian record books.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *