EJ Obiena, kinumpirma na nakatanggap na siya dati ng offers mula sa mga ibang bansa

Kinumpirma ng Olympic pole vaulter na si EJ Obiena na nakatanggap na siya ng maraming offers noon para magpalit ng nationality.

Pero ayon kay Obiena, mas pinili niyang manatiling Pilipino sa malalaking pay packages na inoffer sa kaniya.

Ang nasabing ulat ay unang isiniwalat ng kaibigan at mentor ni Obiena na si James Michael Lafferty sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Pinoy vaulter at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Sa isang Facebook post ni Obiena ay sinabi nito na “Loyalty is a virtue”.

Ipinunto niya na magkasundo sila ni Lafferty sa paniniwala na mahalaga ang loyalty.

Aniya, kahit pa may kontrobersya ngayon ay wala siyang hangad na magpalit ng nationality.

Giit niya, proud siya na mag-compete para sa flag ng Pilipinas at kahit kailan ay hindi niya aabandonahin ang sarili niyang bansa para lamang sa pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *