EJ Obiena, umaasang madadala ang world-class vaulters sa PH sa 2023

Plano ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na dalhin ang kanyang world-class colleagues sa Pilipinas para sa isang invitational competition sa 2023.

Kabilang sa mga nais imbitahan ni Obiena ay si reigning world at Olympic champion Mondo Duplantis, world No. 2 Chris Nilsen, at 2016 Rio Olympics gold medalist Thiago Braz.

Sinabi ni Obiena kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na ang objective ay dalhin ang mga ito sa bansa kasunod ng pagtatapos ng outdoor season.

Agad naman na sinuportahan ni Tolentino ang ideya ni Obiena, at agad na inalok ang kilalang spot sa Tagaytay City bilang potential venue.

Ayon kay EJ na ang set-up, ay magiging kapareho sa mga events sa Europe na street venue kung saan ang runway, box, crossbars at landing area ay lahat portable o collapsible.

Leave a Reply

Your email address will not be published.