Ejercito, dismayado matapos tawagin ng ilan netizen na ‘padrino’ ng driver na sumagasa sa guard

Dismayado si Senator-elect JV Ejercito sa ilang netizens matapos na tawagin siyang “padrino” o protektor ng driver na sumagasa sa isang security guard habang nagmamando ng trapiko sa Madaluyong City.

Ito’y matapos na mag-alok ang senador ng P50,000 na pabuya para sa anumang impormasyon hinggil sa suspek.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Ayon kay Ejercito, gusto lang naman umano niyang makatulong, pero siya pa ang napasama.

Giit nito, na sa katunayan, galit na galit siya sa driver at gusto nga niya umano itong sapakin matapos makita ang viral na kuha mula sa dash cam hinggil sa naturang insidente.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Dahil dito, binigyang diin ng mambabatas na mas lalo niyang napatunayan ngayon na sa social media, marami ang hindi marunong magbasa, basta’t may masabi lang. // MHEL PACIA-TRINIDAD