Editors Pick

Ejercito, nais na palawakin ang scope ng anti-agri smuggling law

Naghain si Senator JV Ejercito ng panukala na naglalayong mapalawak ang scope ng Anti-Agricultural Smuggling Act, magpataw ng mas mahigpit na penalidad para sa mga hoarders, profiteers, at cartel ng mga agricultural products.

Sa Senate Bill 1688, nais ni Ejercito na na ikonsiderang economic sabotage ang pag-hoard, profiteering, at operasyon ng mga cartel ng asukal, mais, karne, poultry, bawang, sibuyas, carrots, isda at cruciferous vegetables na may minimum amount na P1 million o ng bigas na may minimum amount na P10 million.

Sa gitna nito, ipapatupad din ang kaparehong mga penalidad sa ilalim ng Anti-Agricultural Smuggling Act para sa mga masasangkot sa hoarding, profiteering, at cartel operations, na habang buhay na pagkakakulong.

Sa halip na ang Bureau of Customs (BoC) lang ang magpapatupad sa mga probisyon ng batas, bubuoin din umano ang isang Inter-Agency Council on Economic Intelligence na siyang aataan na magpatupad sa mga probisyon sa ilalim ng naturang panukala, para matuldukan na ang smuggling, hoarding, profiteering, at cartel.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

11 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

11 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

11 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

11 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

11 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

12 hours ago