Ekonomiya ng Bicol umaasang gaganda sa huling Quarter- Alkade ng Legapi City

LEGAZPI CITY – Inihayag ng dating Chairman ng Bicol Regional Development Council (RDC) na umaasa ang Bicol Region ay magsisimula na gaganda ang ekonomiya ng rehiyon Bicol aa huling quarter ng taon 2022.

Ayon sa Alkalde Noel Rosal, naniniwa na gaganda ang ekonomiya ng rehiyon dahil sa patuloy na pagbubukas ng mga negosyo na maaaring magbigay ng trabaho sa mga nawalan ng trabaho sa gitna ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

Umaasa na ang patuloy na pagbubukas ng ekonomiya ng bansa ay magpapalakas ng paglago ng trabaho hanggang sa tuluyang bumalik sa pre-pandemic na kondisyon bago matapos ang taong ito.

Aniya, bagaman tumaas ang taunang average inflation rate ng rehiyon mula 2.7% noong 2019 hanggang 6.1% noong 2021, ang bilang mula Enero hanggang Mayo ngayong taon ay bumuti na sa 3.7%.

Kung magpapatuloy ang kalakaran na ito, maaari nating asahan ang mas magandang kalagayang pang-ekonomiya sa rehiyon kahit man lang sa huling tatlong buwan ng taong ito,” sabi ni Rosal.

Itinuring din niya ang napakataas na growth rate na nai-post ng Bicol bago ang pandemya, na umabot sa 8.9% noong 2018 at 7.4% noong 2019 bilang isang “blessing in disguise.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.