Eksperto, nakikita ang mabagal at steady increase ng Chinese activities laban sa Pilipinas

Nakikita ng isang eksperto na tataas ang Chinese activities na magpipigil sa mga otoridad ng Pilipinas na malayang makagalaw sa palibot ng karagatan, kasunod ng laser incident sa Ayungin Shoal.

Para kay maritime affairs expert Jay Batongbacal, papunta na umano ito sa direksyon kung saan aagawin na ng China ang Ayungin Shoal sa pamamagitan ng pagpigil manatili ang outpost doon.

Ayon kay Batongbacal, na ang pag-gamit ng naturang equipment ay maikokonsidera na bilang banta sa pag-gamit ng pwersa.

Giit nito, hindi na umano tangka ang naturang hakbang na ipatupad ang maritime law.

Binigyang diin ng eksperto na hindi naman na kailangang gumamit ng laser dahil sa close distance sa pagitan ng dalawang vessels.

Ang Chinese at Philippine authorities ay sariling hotline na maaring gamitin para i-communicate ang mga concerns. (PCG PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *