Pormal nang inanunsyo ng PAGASA na nagsimula na ang El Niño phenomenon sa tropical Pacific.
Bunsod nito, maramadaman na ang epekto ng mas konting pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa simula ngayong buwan ng Hulyo at titindi at tatagal pa hanggang sa susunod na taon.
Batay sa forecast ng PAGASA, kasama ang Sorsogon sa 27 lugar sa bansa na makakaranas ng ‘below normal’ rainfall condition sa buwan ng Setyembre.
Paliwanag ng ahensya, patataasin ng El Niño ang ‘below normal’ rainfall condition na maaaring magdulot ng dry spell at drought sa ilang bahagi ng bansa kung saan ang mas maaapektuhan nito ay ang sektor ng agrikultura.
Sa ngayon aniya ay ‘weak El Niño’ ang nararamdaman sa lalawigan.
