Elago, hindi nababahala sa petisyon ng NTF-ELCAC na humihiling sa Comelec na kanselahin ang registration ng Kabataan party-list

Hindi nababahala si Kabataan Party-list Representative Sarah Jane Elago mula sa mga bagong akusasyon laban sa kaniya na may kinalaman sa pagkakaroon umano nito ng koneksyon sa communist terrorist groups.

Ito ay matapos himukin ng isang opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Commission on Elections (Comelec) na kanselahin ang registration ng Kabataan Party-list.

Sinabi ng abogado na si Marlon Bosantog, na NTF-ELCAC spokesperson at National Commission on Indigenous People (NCIP) Director for CAR, na dapat ay ma-diskwalipika ang Kabataan party-list  dahil sa goal umano nito na i-destabilize ang gobyerno.

Iginiit naman ni Elago na handa silang rumesponde sa mga alegasyon ng NTF-ELCAC kahit wala pa silang kopya na natatanggap ng nasabing petisyon.

Binigyang diin ng mambabatas na wala nang bago sa mga gawa-gawa na akusasyon ng NTF-ELCAC, at sa ngayon ay patuloy niyang pinagtutuunan ng pansin ang kaniyang trabaho at advocacy campaigns.

Samantala, sinabi naman ni Bosantog na marami itong mga witnesses na dating mga miyembro umano ng Kabataan partylist at dating cadres ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army.

Inihayag ni Bosantog na pareho lang ng ninanais ang Kabataan party-list at ng CPP-NPA na pabagsakin ang gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *