Eleazar aminadong malaking hamon ang ‘internal cleansing’ sa PNP

Aminado si Philippine National Police Chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar na malaking hamon para sa kanya ang paglilinis sa mga tiwali sa kanilang hanay.

Sa panayam ng Brigada News FM sa bagong talagang PNP chief, sinabi nitong binabalaan na niya ngayon pa lamang ang mga natitira pang pulis na hindi pa rin nagtitino.

Sa katunayan ayon kay Eleazar mas pinaganda ng Internal Affairs Service ang proseso at sistema para sa imbestigasyon sa mga pulis na masasangkot sa katiwalian.

Kasabay nito pinaalalahanan na din ng PNP chief ang mga unit commanders sa ground na imonitor ng maayos ang kanilang mga tauhan.

Ayon kay Eleazar hindi siya magdadalawang isip na magtanggal ng mga tiwaling pulis dahil batid umano niyang maraming mga kabataan ang gustong pumasok sa kanilang hanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *