Eleazar, bagong PNP chief

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang ika-26 na chief ng Philippine National Police.

Papalitan ni Eleazar si Gen. Debold Sinas, na aabot na sa kanyang mandatory retirement age na 56 sa May 8, para pamunuan ang 200,000-strong police force.

Bago nito, si Eleazar ay nagsilbi sa ikalawang pinakamataas na pwesto sa PNP bilang deputy chief for administration, habang ito rin ay naitalaga bilang chief ng National Capital Region Police Office at head ng task force against COVID-19 quarantine violators ng gobyerno.

Ang bagong PNP chief na mula sa Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987, ay pang-ika anim na PNP chief na pinili ni Duterte.

Si Eleazar ay may anim na buwan lang sa pwesto dahil nakatakda itong magretiro sa kanyang ika-56 na kaarawan sa Nov. 13. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *