Eleazar sa cops: ‘Wag saktan ang face mask violators, kundi…

Tiniyak ni newly installed Philippine National Police chief Guillermo Eleazar na hindi sasaktan ng pulis ang mga face mask violators.

Ayon kay Eleazar, kakatigan ng mga law enforcement authorities ang kanilang responsibilidad na igalang ang human rights, sa gitna na hihigpitan ng PNP ang pagpapatupad sa minimum health at safety protocols.

Binigyang diin ng PNP chief na maaring ikulong ng mga pulis ang mga violators, pero hindi nila maaring saktan o parusahan ang mga ito.

Sa oras na may mabalitaan ang PNP chief na maling ginawa ng mga pulis, ay mnananagot umano ang mga ito sa kanya.

Matatandaan na noong nakaraang linggo nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na arestuhin at ikulong ang mga indibidwal na hindi nagsusuot ng face mask ng maayos. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *