Local News

Election Officer ng COMELEC Naga, naniniwalang dapat nang amyendahan ang panuntunan hinggil sa substitution ng mga kandidato

NAGA CITY—Naniniwala ang Election Officer ng COMELEC Naga na dapat nang amyendahan ang panuntunan tungkol sa substitution ng mga kandidato.

Ayon kasi kay Atty. Maico Julia Jr., ginagamit ng ilang partido ang substitution upang lituhin ang ibang katunggaling political party sa pamamagitan ng pagsusumiti ng Certificate Of Candidacy pero kalaunan ay aatras at hahali naman ang isa pang kandidato na mula sa parehong partido.

Dapat aniya maging totoo ang lahat ng mga kakandidato kung tatakbo ba o hindi sa araw palang ng kanilang paghahain ng COC.

Ayon naman kay Election Lawyer Atty. Romy Macalintal, pwedeng ideklarang nuisance candidate ang isang kandidatong naghain ng kaniyang COC kung mapapatunayang wala talagang intensyong tumakbo at inirereserba lamang ang kaniyang posisyon para sa hahalili sa kaniya.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code ang substitution ng kandidato ng isang political party ay pinahihintulutan kung ang naghain ay  pumanaw, umatras o di kaya’y pinal nang nadiskuwalipika at dapat rin na manggaling sa iisang partido ang papalit.

BNFM Naga

Recent Posts

Mga unibersidad sa Pilipinas bigong makapasok sa Top 100 ng 2024 THE Asia University Rankings

Bigong makapasok ang mga unibersidad sa Pilipinas sa Top 100 ng 2024 The Asia University…

28 mins ago

Kakulangan ng bakuna kontra pertussis, problema ng mga Municipal Health Office

CAMARINES SUR - Problema ngayon ng mga Municipal Health Office sa mga Lokal na Pamahalaan,…

49 mins ago

Adjusted working hours sa NCR kasado na ngayong araw

Magsisimula na ngayong araw ang adjusted working hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng…

58 mins ago

Tropa ng mga pusa, ni-raid ang ref ng kanilang fur mom

VIRAL ngayon ang kakaibang pagbabayanihan ng tropa ng mga pusa para ma-raid ang refrigerator at…

1 hour ago

Most Rev. Alarcon, mainit na sinalubong bago ang pag upong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY - Nag-abang sa ilang mga pangunahing kalsada ng Naga City ang maraming mga…

1 hour ago

Kredibilidad ng nasa likod ng “PDEA Leaks”, kinuwestyon ng isang kongresista

Kuwestyonable para kay House Committee on Dangerous Drugs Chairperson Robert Ace Barbers ang kredibilidad at…

1 hour ago