Election Registration Board (ERB) hearing para sa approval  at disapproval  ng lahat ng aplikante, nagsimula na

LEGAZPI CITY – Nagsimula na ang Election Registration Board (ERB) hearing sa buong Pilipinas para sa pag-apruba at hindi pag-apruba ng mga aplikante na nagparehistro, simula Disyembre 12 hanggang Enero 31 para sa Barangay at SK Elections.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Commission on Elections (COMELEC) Albay Provincial Supervisor Atty. Ma. Aurea Bu-Bonao, isinasagawa ito upang malaman ang eksaktong bilang ng magiging botante para sa darating na eleksiyon.

Sa malalaking lunsod at mga bayan ay inaabot ito ng tatlo hanggang limang araw, habang isang araw naman sa ibang maliliit na lugar.

Aniya, may kaukulang proseso para sa pag-apruba at hindi nangangaluhugang ang mga nagparehistro ay otomatikong magiging botante sa eleksiyon.

Maliban pa rito, isa ang Albay sa mga mayroong ‘smooth sailing registration’.

Samantala, para sa susunod na hakbang, pupunta ang COMELEC national sa Marso 15-30 sa rehiyon upang tingnan kung ilang presinto ang kailangang idagdag sa mga voting center at bilang ng balota na kakailanganin. | MAEDIN DEXISNE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *