CAMARINES NORTE – Inihayag ng Department of Education na walang naitalang malaking problema sa mga gurong nagsilbi bilang Electoral Board sa katatapos lang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Batay ito sa report na nakarating sa Election sa Task Force na binuo ng departamento bago pa man ang BSKE na layong alalayan ang mga guro sa pagtupad ng kanilang election duty.
Ayon kay Administrative Officer V at Division Information Officer Antonio Ahmad mayroon lang naitalang apat na nag- pull out bilang EB dahil sa isyung pangkalusugan.
Tatlo dito ay tumaas ang blood pressure habang ang isa naman ay nagkaroon ng uteral bleeding. Nasa maayos na umanong kondisyon ang mga ito.
Ang maganda rin umano ngayon ay may ipo- provide nang legal assistance sa mga guro na nagsilbi sa BSKE sakaling kailanganin ng mga ito.
Nagpaabot naman ng pagbati at pasasalamat ang Schools Division Office sa mga gurong nagsilbi sa halalan. Ayon kayn Ahmad minsan pang pinatunayan ng mga guro ang isang tapat at mahusay na pagseserbisyo sa panahon ng halalan.
