Elementary teacher, binaril patay sa Sariaya, Quezon

Isang babaeng guro ang patay matapos pagbabarilin ng isang gunman sa Sitio Berhinan, Brgy. Manggalang 1, Sariaya, Quezon nitong Lunes, Hunyo 28.

Kinilala ang biktimang si Marilou Gutierrez Lagaya, 48 anyos, guro at residente ng Sitio Masigasig, Brgy. Montecillo ng nasabing bayan.

Ayon sa Sariaya Pulis, dakong 3:40 ng hapon, sakay si Lagaya ng kanyang pinsan sa isang motorsiklo pauwi ng kanilang bahay mula sa Manggalang 1 Elementary School kung saan siya nagtuturo nang pagbabarilin siya ng hindi pa nakikilalang suspek.

Agad namang tumakas ang suspek at kasama nito sa direksyon ng Brgy. Manggalang Tulo Tulo.

Dead on the spot ang biktima matapos magtamo ng maraming tama ng baril sa katawan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng isang kalibre .45 na pistol.

Abala ngayon ang Sariaya Police Station sa isinasagawang follow up operation upang matukoy ang nasa likod ng pamamaslang.

Kaugnay nito, may nakalaang pabuya na isang daang libong piso (Php 100,000) ang lokal na pamahalaan ng Sariaya sa makapag-bibigay ng impormasyon upang makilala at madakip ang suspek. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *