Elevated Tank Project sa Brookes Point, hindi pa rin naitatayo

Mainit na pinagusapan sa sesyon ng Sangguniang Bayan ng Brooke’s Point nitong Martes, ika- 21 ng Pebrero ang Elevated Tank Project ng Water System na hanggang ngayon ay hindi pa rin naitatayo sa munisipyo.

Humarap din si Engineer Ronie Cabasal, head ng water system Brooke’s Point sa mga miyembro ng konseho at sinagot ang mga tanong, at inihayag nito na hindi nya umano saklaw ang proyekto ng Provincial government dahil tanging monitoring lang ang kanyang maaring gawin.

Kaugnay nito ay muling inungkat ni konsehal Victoriano Colili ang matagal ng proyektong Elevated tank na noong pang taong 2020 pa tinatalakay, subalit hanggang ngayonay hindi pa rin ito naitatayo kahit mayroon na umanong materyales.

Ang Elevated Tank na pinondohan ng tinatayang 26 na milyong piso ay magagamit sana para imbakan ng tubig sakaling bumuhos ang ulan ay tuloy pa rin ang daloy nito sa mga kabahayan sa munisipyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *