Ellen Adarna,hindi pa raw nakikita ang sarili na magbabalik sa showbiz

Hindi pa raw nakikita ni Ellen Adarna ang kanyang sarili na magbabalik sa showbiz ngayon.

Sa isang panayam, sinabi ni Ellen na gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagiging mabuting ina sa kanyang anak na si Elias at pagkakaroon ng sariling anak sa asawang si Derek Ramsay.

Nais daw nilang magkaanak ngayong taon at pinaplano ni Ellen na tanggalin ang kanyang intrauterine device na isang uri ng birth control.

Samantala, wish naman ni Ellen sa dating nobyo na si John Lloyd Cruz at sa rumored girlfriend nitong si Isabel Santos na maging maayos ang relasyon ng dalawa. Sinabi rin niyang “smooth” ang  co-parenting setup nila ni Cruz sa ngayon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *