Ellen DeGeneres kinumpirmang tatapusin na ang talk show

Kinumpirma ni Ellen DeGeneres na magtatapos na ang kanyang talk show sa pagtatapos ng 19 seasons na mayroong mahigit 3,000 episodes.

Kinumpirma ng isang malapit kay Ellen na hindi na magri-renew ng kontrata ang host sa pagtatapos nito sa 2022 19th season

Unang lumutang ang mga isyu ng “unkind behavior at bullying at ang “significant dip” sa sponsor at ratings.

Ayon sa isang production insider, ang totoo ay nagpapasalamat ang mga staff ni Ellen na hindi agad ito nag-quit pagkatapos ng nakaraang summer at sa halip ay pinili nitong bigyan pa sila ng trabaho sa gitna ng pandemya hanggang sa susunod na taon

Sa kumpirmasyon naman ni Ellen, wala na siyang nararamdamang challenge na isa sa mga hinahanap ng isang creative person na tulad niya.

Ayon kay Ellen, ang planong pagtigil ng show ay nakaplano na bago pa man lumutang ang mga balita tungkol sa kanyang ugali sa likod ng camera.

Totoo din aniyang dapat ay sa pagtatapos ng Season 16 pa siya tumigil pero napagkasunduan na ituloy pa ang show nang tatlo pang episode. (LEO NAVARRO-MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *