Embiid nasungkit ang MVP award para sa NBA 2022-2023 season

Hinirang si Philadelphia 76ers center Joel Embiid bilang Most Valuable Player (MVP) para 2022-2023 season ng NBA.

Nakuha ni Embiid ang 73 mula sa possible 100 first-place votes kontra sa mga karibal niyang sina Denver Nuggets Nikola Jokic at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.

Ito ang kauna-unahang MVP award ng 76ers star na laging runner-up sa botohan sa loob ng dalawang season.

Si Embiid ay may averaged na 33.1 points kasama ang 11.7 rebounds at 4.2 assists bawat laro na tumulong para igiya ang kanyang koponan bilang no. 3 seed sa NBA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *