Emergency hotline sa Olongapo, nakatanggap ng napakaraming prank calls

OLONGAPO-Nakatanggap ng mahigit isandaang prank calls ang 911 emergency hotlines simula ng ilunsad sa Olongapo noong June 1.

Ayon kay City Disaster Management Officer Angie Layug,mayroong di bababa sa pitumpong tawag ang natanggap ng command center sa loob ng unang anim na araw, pinakamarami dito ay nangangailangan ng ambulansya pero di maiiwasang may mga prank calls.

Base sa tala, kadalasan ay mga bata ang tumatawag at kunwari ay nagsusumbong nang tungkol sa isang emergency pero kapag nirespondihan ay dito na nalalaman na panloloko.

Maliban pa dito, nasa listahan din ang mahigit apatnaraang drop calls na di na sinasagot kapag tinatawagan ng command center at ang 267 na wrong dial.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'SHOP NOW! Lazada Keeping your Immune System Strong must also be your Priority. GUARD-C c take as your Vitamin 100 Capsules ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C 500mgCapse Capsule VITAMIN www.a- ASCORBIC ACID GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *