CAMARINES NORTE- Alerto ang Emergency Operations Center ng lokal na pamahalaan ng Daet kasabay ng isinagawang Bantayog Festival Street Dancing And Float Parade kahapon
Isinagawa kasi ang nasabing parada pasado ala una ng hapon sa kasagsagan ng napaka-init na panahon
Nakahanda umano sila upang masigurado ang kapakanan at kaligtasan ng mga kabataang sumali at nakilahok sa nasabing parada
May mga karagdagang resources din ang Emergency Operations Center na mula sa LGU Daet MHO Community Health Emergency Service at LGU Daet MDRRM action emergency team na namamamahala sa mga pinlano na pangyayari, at magsisilbi bilang EMS at first aid team.
May mga EMS standby medic din umano ang MDRRMO na naka-deploy sa bawat intersection sa bayan ng Daet
