Magsasagawa ng emergency repairs ang Department of Public Works and Highways sa ilang kalsada sa Metro Manila dahil sa pinsalang idinulot ng nagdaang bagyong Egay, Falcon na sinamahan pa ng habagat.
Kabilang diyan ayon sa Metropolitan Manila Development Authority ang bahagi ng EDSA busway mula Buendia, Makati City hanggang Muñoz, Quezon City northbound at southbound mula 10 p.m. ng August 4, Biyernes hanggang 5 a.m. ng August 9, Miyerkules.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta gaya ng Skyway.
Pwede din dumaan sa NLEX Balintawak ramp sa Luzon Ave., Plaza Dilao, at Nagtahan.
Kung south to north naman ang biyahe, puwedeng dumaan sa on-ramp sa SLEX elevated extension Alabang, Zapote road, Doctor Santos, Doña Soledad, Quirino, Nagtahan, at Quezon Avenue.
Kung off-ramp naman , puwedeng dumaan sa Magallanes, Don Bosco, Amorsolo, Buendia, Quirino, Nagtahan, Quezon Ave., Sgt. Rivera, A. Bonifacio, Balintawak at NLEX.
Puwede din dumaan sa Mabuhay Lanes ang mga pribadong sasakyan.