Emergency room ng provincial hospital, isinailalim sa renovation

KORONADAL CITY- ISINASAILALIM ngayon sa renovation ang Emergency Room o ER ng South Cotabato Provincial Hospital.

Ayon kay Chief of Hospital Dr. Conrado Braña na kabilang sa mga inaayos ang bubong, mga cabinets, at iba pang mga gamit upang ito ay mas maging malawak at maging komportable ang mga pasyente.

Kaugnay nito, humingi ng pang-unawa si Braña sa nga pasyente dahil kailangan ng mga itong bakantehin ang ER upang hindi maantala ang renovation.

Pansamantalang ginagamit na ER ang tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO.

Inaasahan na sa buwan ng Enero ng susunod na taon, matatapos na ang renovation at magagamit na ang emergency room.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *