Naarestong muli ang empleyado ng Masbate City LGU sa ikinasang drug buy-bust operations magtatanghali noong Miyerkules sa Brgy Nursery, Masbate City.
Kinilala ito ng drug enforcement units na si Maximo Clemente Serrano Jr. alias Bong, 64-anyos, may asawa at naninirahan sa nasabing barangay.
Nasamsam sa posesyon nito ang aabot sa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340K.
Si Serrano ay una nang naaresto nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay nito sa bisa ng search warrant na ipinalabs ng korte noong nakaraang buwan.
Nasamsam sa nasabing operasyon ang 9 na pakete ng shabu na tumitimbang ng mahigit-kumulang 12 gramo na may DDB value na P81, 600.00 at iba pang drug paraphernalias.
