Employee’s Compensation Commission (ECC) Bicol, nagsagawa ng free orientation and program exhibit sa Legazpi City

LEAGZPI CITY – Nagsagawa ang Employees Compensation Commission (ECC) Bicol ng Free ECP Orientation and Program Exhibit sa isang mall sa lunsod ng Legazpi.

Ayon kay ECC Bicol regional information officer, Yvette Bonavente, namahagi muna ng starter kit ang kanilang tanggapan bilang bahagi ng  Quick Response Program at ng Enterprise Development Training para sa mga Persons with Work-Related Disability (PWRD) sa rehiyon.

Ang naturang programa ay maaring makuha ng public at private employees kung sakaling magkaroon sila ng sakit, pinsala o biglang pagkamatay na may kaugnayan sa kanilang trabaho.

Sa lunsod, isa sa mga benepisyaryong nakatanggap nito ay si Marlon Nerva, 44 anyos ng Brgy. Bigaa, kung saan binigyan ito ng PHP 10,000 halaga ng cash assistance at PHP 10,000 halaga ng livelihood grant para sa pagsisimula ng kanyang Hog Raising business. 

Si Nerva ay isang ship officer na naaksidente na nagresulta sa pagkabali ng kanyang kaliwang maliit na daliri noong taong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *