Energy Development Corporation, nakikipagtulungan sa LGU ng Camalig sa paghahanap at pagsagip sa 4 na pasaherong nakasakay sa Cessna plane

Nakipagtulungan na ang Energy Development Corporation (EDC) sa lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay upang hanapin at sagipin ang apat na mga pasaherong nakasakay sa Cessna 340 plane.

Sakay ng eroplano ang piloto na si Rufino James Crisostomo, Jr.; crew nitong si Joel Martin kasama ang mga technical consultant ng EDC na parehong Australlian na sina Simon Chipperfield at Karthi Santanan.

Agad na pinakilos ni Camalig Mayor Caloy Baldo ang kanilang BDRRMC upang tumulong sa paghahanap na kaagad namang rumesponde kasama ang Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP) na idineploy sa pamamagitan ng dalawang search and rescue team.

Ang kumpanya ay tumulong din sa paghahanap kasama ang Emergency Response Teams (ERT) mula sa Bacon-Manito (BacMan) geothermal facility sa Bicol pati na rin ang ERT nito mula sa Leyte, Negros, at Mount Apo geothermal facility.

Ayon pa sa opisyal, isang chopper din ang naka-pre-position at nakahanda nang lumipad palabas ng Maynila at naka-standby din ang dalawang chopper para sa reinforcement.

Samantala, kahapon din ay nahanap na ang nawawalang eroplano at natagpuan sa dalisdis ng bulkang Mayon na tinatayang nasa 350 meters ang distansiya mula sa crater nito o nasa 6,500 above feet, subalit dahil din sa lagay ng panahon at ng bulkan, napilitang bumaba na ang mga rescuers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *