Enforcer na nagviral matapos saktan ng babaeng motorista, pinarangalan

Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Metro Manila ang traffic enforcer na si Marcus Anzures ngayong umaga.

Si Anzures ay tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nag-viral matapos itong saktan ng isang babaeng motorista noong nakaraang linggo.

Sa naturang video makikita ang pananampal, panununtok at paninipa ng suspek na si Pauline Mae Altamirano alyas Maria Hola dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Kalaunan ay napag-alaman na isang drug courier pala ang naturang babae.

Nakatanggap ng plake at cash incentives si Anzures na personal na inabot nina nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *