England ipinagpaliban ang pagluluwag sa lockdown restrictions

Ipinagpaliban ng England ang final stage ng pagpapaluwag sana ng lockdown restrictions hanggang July 19 dahil sa mga kaso ng COVID-19.

Nangangahulugan ito na patuloy ang mga hakbang para mapigilan ang social contact na dapat sana ay matatapos sa June 21.

Sinabi ni Prime Minister Boris Johnson na magkakaroon ng review pagkatapos ng dalawang linggo upang matiyak na ligtas na para sa pagluluwag ng restrictions.

Umaasa si Johnson na sa ganitong paraan, hindi na mapapalawig pa ng ilang linggo ang pagluluwag ng restrictions dahil sa COVID-19 bagamat hindi aniya ito matitiyak.

Una nang nagbabala ng posibleng significant resurgence ang mga Scientist na nagbibigay ng advise sa British government kapag itinuloy nang mas maaga sa June 21 ang final stage ng pagluluwag ng lockdown restrictions.

Matatandaan na hinati sa apat na stages ang pagluluwag ng lockdown restrictions sa England matapos ang ilang buwang lockdown kung saan huling stage na sana ang June 21 pero ipinagpaliban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *