Engr. Epistola, umupo na bilang bagong general manager ng SOCOTECO 1

KORONADAL CITY- OPISYAL nang umupo bilang bagong general manager ng South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO-1 si Engr. Raffee Edsel Epistola epektibo October 17, 2022.

Ito ay matapos ang isinagawang re-election ng board of directors ng SOCOTECO-1 noong September 15 at approval ng National Electrification Administration o NEA.

Ayon kay Epistola na siya ay magsisilbing General Manager Under Performance Management Contract kung saan isasailalim pa ito sa evaluation ng board pagkatapos ng isang taon. Ang performance nito ang magiging basehan sa pag-appoint sa kanya bilang regular General Manager.

Kabilang sa tututukan ni Epistola sa kanyang pamumuno ang paglutas sa problema sa Systems Loss at Systems Reliability partikular na ang problema sa brown-out na bahagi ng kanyang 8-point agenda.

Matatandaan na unang nahalal bilang general manager si Atty. Ramie Armada ngunit dahil sa mga problema sa selection process at kawalan ng naisumiteng board resolution sa NEA, hindi ito nakaupo sa pwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *