Engrandeng wedding proposal, viral online!

Napapa “wow” ang lahat sa viral at engrandeng wedding proposal ng magkasintahang Madeline Dela Cruz at Martin Vizconde sa isang hotel sa Maynila.

Ayon kay Martin, 12 taon na silang magkasintahan ng kanyang college sweetheart na si Madeline kaya naman sigurado na sila sakanilang susunod na journey para sakanilang relasyon.

Sa mismong araw ng proposal, wala umanong ideya si Madeline sakanyang binabalak bagkus ay nagtaka lamang ito kung bakit sobrang busy niya nung araw na iyon.

Maliban sa makukulay na ilaw, mga pulang rosas na hugis malaking puso at iba pang dekorasyon, mayroon ding naganap na pagharana ng Side A Band Vocalist na si Joey G. sa tugtog ng Manila Philharmonic Orchestra.

Dagdag pa ni Martin, “Magkakaiba ang way ng pagpapakita ng pagmamahal, as long as pinaghirapan mo ang mga bagay, immesurable yan eh. ‘Yung thoughtfulness mo ang importante. Mararamdaman niyang mahal mo siya. Ginawa ko ito kasi ito ang sa tingin kong deserve ni Mads” JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Photo Courtesy: Nice Print Photography & Exige Weddings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *