Enrollment period para sa SY 2021-2022, pinalawig hanggang Sept 30, 2021

Pinalawig pa ng Department of Education (DepEd) ang enrollment period para sa School year 2021-2022 hanggang sa September 30,2021.

Ito ang inanunsyo ni Education Undersecretary Revsee A. Escobedo kasabay ng pormal na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayong araw sa buong bansa.

Mababatid na dapat hanggang ngayong araw lamang ang enrollment period o ang pagtanggap ng ng mga magpapatala pero nagpalabas ng bagong memorandum ang kagawaran para mas maraming estudyante pa ang makabalik sa pag-aaral.

Dahil dito, sinabi ni Escobedo na umaasa sila na tataas pa ang bilang ng mga mag-aaral na makakapag-enroll hanggang sa katapusan ng buwan lalo na at mayroon din aniyang mga late reported mula sa ibang rehiyon.

Mababatid na hanggang sa ngayong araw ay pumalo na sa mahigit 24 million na mga mag-aaral ang nag-enroll para sa school year 2021-2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *