Entrance exam para sa Philippine Military Academy (PMA), sisimulan na bukas sa Bicol University College Of Science

LEGAZPI CITY – Uumpisahan na bukas, saraw ng Sabado, ikadalawampu’t apat ng Setyembre hanggang sa Linggo, ikadalawampu’t lima ng parehong buwan ngayong taon ang entrance examination para sa Philippine Military Academy (PMA) na gaganapin sa Bicol University College of Science (BUCS).

Batay sa anunsiyo, hindi na tatanggapin pa ang mga online at mail na aplikasyon para sa nasabing pagsusulit, ngunit tatanggapin naman bilang last priority candidates ang mga walk-in applicants sa mismong araw, basta dala-dala lamang ang kumpletong mga dokumentong kakailanganin.

Dagdag pa rito, ang mga aplikanteng fully vaccinated na ay hindi na kinakailangan pang magpresenta ng negative antigen test, samantalang ang mga hindi pa fully vaccinated ay kailangang magsumite ng negative result ng nabanggit na test.

Ilan naman sa mga kinakailangang dalhing dokumento ng mga magti-take ng pagsusulit ay ang duly accomplished na application form/online confirmation, dalawang piraso ng 2×2 ID picture with white background, photocopy ng NSO birth certificate kasama ang Form 137/138 para sa high school habang TOR naman para sa mga kolehiyo.

Kasama rin sa mga kinakailangang dalhin ay ang Monggol Pencil No.2, valid ID, vaccination card with booster at face mask.

Leave a Reply

Your email address will not be published.