Pinag-aaralan na nina Vice President and Education Secretary Sara Duterte at Go Negosyo Founder Joey Concepcion ang posibilidad na pagkakaroon ng entrepreneurial classes sa senior high school.

Sinabi ni Concepcion na napag-usapan nila ni Vice President Sara Duterte ito upang talakayin ang mga pamamaraang magpapahusay sa entrepreneurship skills na maaaring isama sa school curriculum.
Kabilang dito ang direktang pagtuturo ng beteranong entrepreneurs at sa tulong ng mga pribadong kompanya, partikular sa mga may kaugnayan sa agriculture sector.
Sa ilalim ng kasalukuyang K-12 curriculum, pumapasok ang mga mag-aaral na Pilipino sa mga pampublikong paaralan sa minimum na 13 taon.