Environment committee ng PDC So.Cot, inirekomenda ang pag-veto sa lifting ng open pit mining ban

KORONADAL CITY- INIREKOMENDA ng South Cotabato Provincial Development Council o PDC- Environment and Disaster Risk Reduction Management Committee (PDC-ENR/DRRM) kay Governor Reynaldo Tamayo Jr ang pag-veto sa lifting ng open pit mining ban.

Sa isinagawang 2nd quarter meeting ng mga ito na pinangunahan ni Provincial Environment Management Officer o PEMO Seigfred Flaviano, dalawang resolution ang inaprubahan ng komitiba.

Una rito, ang resolution na humihingi ng kaliwanagan sa Sangguniang Panlalawigan sa kanilang naging desisyon sa pag-lift sa open pit mining ban at pangalawa ay ang resolution na nagrerekomenda sa gobernador na i-veto ang ordinansa na nag-aamyenda sa Envi Code.

Ang nasabing meeting ay dinaluhan ng mga key environmental stakeholders mula sa iba’t ibang mga government at non-government agencies at mga sector na nagbigay din ng updates sa kanilang mga environmental management at conservation programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *