EOD unit ng OCPO katuwang rin sa pagpapatupad ng health protocols

OLONGAPO-Katuwang na rin ng Olongapo City Police Office ang Explosive and Ordnance o EOD unit sa kampanya para sa matiyak na sumusunod ang lahat sa ipinatutupad na health and quarantine protocols.

Ito ay para maisama sa regular na aktibidad ng EOD ang pagbabantay sa kaligtasan ng lahat.

Matatandaan na ang EOD ay isang unit ng pulisya na ekperto sa pag-detect ng mga improvise explosive devices pero sa panahon ng pandemic ay katuwang na rin ang mga ito sa paninita sa mga lumalabag sa health protocol.

Ayon kay PLTC. Preston Bagangan ng OCPO, umiikot ang EOD sa lungsod lalo na sa mga dalampasigan para manita at magbigay din ng mga facemask.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

May be an image of 2 people, food and text that says 'Dower Cells HERLBAL CAPSULE Tuldukan ang Sakit! A'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *