Binabantayan ng Department of Energy (DOE) ang magiging epekto ng giyera sa Israel at Palestine sa local petroleum price.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero tumaas ang presyo sa unang araw ng trading ngayong linggo dahil sa biglaang pag-atake ng Hamas sa Israel.
Nitong Martes nagpatupad ang mga oil companies ng rollback sa fuel prices sa mga produktong petrolyo.
Ngunit, sabi ni Romero, na maaring mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa epekto ng giyera sa Israel.