SAN ANTONIO- Sarado simula ngayong araw, April 28 hanggang bukas, April 29 ang Emergency Room at Out-Patient Department ng San Antonio Municipal Health Office-JICA Building.
Ang Birthing, Under 5 (OPD) at Event Center ay isasara mula April 29 hanggang April 30.
Ito ay dahil umano sa posibleng exposure sa apat na confirmed RT-PCR test patients.
Magbabalik naman sa operasyon ang ER at OPD sa April 30, alas sais ng umaga habang sa May 1 ay magbubukas muli ang Birthing at Event Center.
Magsasagawa kasi ng disinfection sa lugar para maiwasan ang pagkalat pa ng covid-19.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
