ERC, nag-abiso sa mga consumer na asahan ang karagdagang P60-P80 sa monthly bills

Asahan na umano ng mga customers ng Manila Electric Company (Meralco) ang mas mahal na monthly bills kasunod ng cessation sa power supply agreement (PSA) sa pagitan ng naturang kompanya at sa South Premier Power Corp. (SPPC) ng San Miguel.

READ MORE:

Ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), na ang mga typical Meralco customer na komokunsumo ng 200 kilowatt-hours (kWh) ay maaring asahan ang P60 hanggang P80 na karagdagang bayad para sa bawat buwan.

Una nang sinabi ng Meralco na nakikipagnegosasyon sila sa mga power generation companies para punan ang 670-megawatt (MW) supply na nawala, matapos tapusin ng SPPC ang kanilang power supply deal para proteksyunan ang mga customers mula sa potensyal na price increase.

Pero sa ngayon, sinabi ng power distributor na kinukuha nila ang suplay na saklaw ng PSA mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Ayon kay ERC chairperson Monalisa Dimalanta, na ang 670-MW mula sa SPPC na nawala sa Meralco ay katumbas ng mahigit 13% sa splay ng power distributor.

Batay sa record ng ERC sa Meralco billings para sa buwan ng November 2022, ang 670MW SPPC PSA ay katumbas sa 13.4% sa suplay ng power distributor na nagkakahalaga sa P4.245 kada kilowatt-hour (kWh).//MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *