ERC: Power demand, unti-unti nang bumabalik sa normal

Inihayag ni Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Attorney Agnes Devanadera na ang kasalukuyang power demand ay bumabalik na sa normal sa kabila ng mga isyu sa power supply system.

Ayon kay Devanadera, ang mababang demand sa electricity ay dahil sa malamig na panahon sa gitna ng rainy season.

Sa kabila nito, nagbabala ang ECR chairperson na magpapatupad sila ng penalidad laban sa mga power plants na mabibigong magbigay ng justifiable explanations para sa unplanned outages.

Matatandaan na sa mga nakalipas na linggo nang inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines na magtataas sila ng Red at Yellow Alerts, dahil sa manipis na reserves batay sa suplay at demand. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *