Errol Spence at Terence Crawford, magkakaroon ng showdown sa Hulyo

Nagkasundo sina WBC, WBA, at IBF world welterweight champion Errol Spence Jr. at WBO world welterweight champion Terence Crawford sa isang laban na magaganap sa July 29 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Sa ulat ng ESPN, maaaring kumita ng eight figures sina Spence na may 28-0, 22KOs at Crawford na may 39-0, 30KOs kung saan ang kanilang kontrata ay mayroong rematch clause. Ang pinakahihintay na showdown ay ipapalabas sa Showtime pay-per-view.

Huling nakita sa aksyon ang 33-anyos na si Spence noong Abril 2022 laban kay Yordenis Ugas kung saan naiuwi nito ang panalo sa pamamagitan ng technical knockout sa round 10.

Samantala, nakalaban naman ni Crawford si David Avanesyan noong Disyembre at nanalo sa pamamagitan ng knockout sa round 6.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *