Top Stories

ES Bersamin, SOF Diokno, lusot sa CA; Confirmation ni COA’s Cordoba, suspendido

Pinalusot na ng panel ng Commission on Appointments ang ad interim appointment nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Finance Secretary Ben Diokno.

Mabilis na naaprubahan ang confirmation ni Bersamin matapos magpahayag ng suporta ang mga kongresistang miyembro ng makapangyarihang panel.

Bago pa man ito, inisa-isa ng mga mambabatas ang ilang mga isyu sa kanyang opisina, pati na rin ang mga hakbang para maiwasan pang maulit ito.

Inalam din ang kakulangan sa appointment ng ilang mga key-positions sa Gobyerno.

‘Sugar fiasco’, ‘di na mauulit

Siniguro ni Bersamin na hindi na mauulit pa ang sugar fiasco, ‘o ‘yung kontrobersyal na pag-aangkat ng tone-toneladang asukal ng Sugar Regulatory Adminstration na kinasasangkutan ng dating ES na si Vic Rodriguez.

Tiniyak ni Bersamin na magkakaroon na ng sapat na koordinasyon at kumpletong staff work sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ito umano ay para maiwasan na ang ‘miscommunication’ sa mga tanggapan ng gobyerno, at hindi na maulit pa ang kontrobersyal na Sugar Order No. 4.

Aniya, sa bagong liderato niya ay hindi na niya hahayaan pang magkaroon ng kakulangan sa koordinasyon, at daraan sa tamang mga opisina ang lahat ng mga dokumentong kinakailangang maaprubahan.

Samantala, kinumpirma rin ni Bersamin na mayroon nang kinokonsidera si Pangulong Bongbong Marcos na pangalan para italaga bilang Agriculture Secretary.

Sa kabila nito, wala pa umanong senyales mula sa Pangulo na may ia-appoint na ito bilang full-fledged Secretary of Department of Agriculture.

Hindi mauuwi sa recession ang Pilipinas

Tiniyak ni Diokno na hindi pa mauuwi ang Pilipinas sa pagkalugi.

Giit ni Diokno, sa gitna ng pinangangambahang global recession ay mayroong nakalatag na plano ang pamahalaan para mabawasan ang mga impact at posibleng epekto nito sa bansa.

Mayroon din aniyang mga hakbang ang economic managers para masigurong hindi higit na maaapektuhan ng global recession ang ekonomiya ng Pilipinas.

Pagdinig sa ad interim appointment ni Commission on Audit chairperson Gamaliel Cordoba, sinuspinde

Ipinagpaliban na muna ng Commission on Appointments ang deliberation para sa ad interim appointment ni Commission on Audit (CoA) chairperson Gamaliel Cordoba.

Ayon kay House Majority Leader LRay Villafuerte, napagdesisyunan ng makapangyarihang kumite na i-suspend ang pagdinig dahil sa kakulangan ng oras.

Marami pa raw kasing mga isyu na dapat talakayin, at magkakaroon na rin ng sesyon sa Senado.

Nakatakda naman ang pagpapatuloy ng hearing sa Martes.

Isyu ng prangkisa ng ABS-CBN, nahalungkat

Tila nagkainitan pa ang ilang mga miyembro ng Commission on Appointments nang matalakay ang isyu sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN Network.

Matatandaaang bago italaga si Cordoba sa COA, nagsilbi muna itong commissioner ng National Telecommunications Commission.

Inungkat ni Senadora Risa Hontiveros ang naging pangako ni Cordoba noon na magi-isyu ito ng provisional authority sa kabila ng pagkakapaso ng kanilang prangkisa.

Aniya, tila kinontra ni Cordoba ang kanyang pangako under oath nang isyuhan nila ng cease-and-desist order ang naturang network.

Idiniin ng Senadora na sinira ng dating NTC chief ang public trust, at nagresulta pa ito sa pagkatapak sa malayang pamamahayag at pagkawala ng trabaho ng libu-libo nilang manggagawa.

Pero para kay SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta, ibang usapin ang press freedom at prangkisa ng isang kumpanya.

Si Marcoleta ay isa sa mga mambabatas na nagsulong ng non-renewal ng franchise ng ABS-CBN.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

19 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

19 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

19 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

19 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

19 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

20 hours ago