ES Vic Rodriguez, tinawag na ‘fake news’ ang balitang resignation

Wala umanong kaide-ideya si Executive Secretary Vic Rodriguez kung saan nanggaling ang tsismis na siya ay nagbitiw na sa puwesto.

Matatandaang napabalita ngayong umaga ang ‘di umano’y pagre-resign nito dahil sa ‘di umano’y pressure sa inner circle ng administrasyon, pati na rin ang pangingikil daw nito na ibinunyag naman ng isang religous organization.

Sa panayam sa mga media ngayong hapon, tinawag ni Rodriguez ito na tsismis at fake news.

Kung mayroon umanong dahilan para mag-bitiw ito sa puwesto, tanging health reason o family reason lang ito.

Sa ngayon aniya, hindi niya tungkuling magpaliwanag lalo na kung ang balita naman ay nangaling sa unverifiable sources.

Sa huli, nilinaw ni Rodriguez na prerogatiba pa rin naman ni Pangulong Bongbong Marcos kung nais nitong pagbitiwin sa puwesto ang isang miyembro ng Gabinete.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *