ESA, pinangalanan ang kauna-unahang “parastronaut”

Pinangalanan na ng European Space Agency ang kauna-unahang “parastronaut” na isang malaking hakbang patungo sa pagpapahintulot sa mga taong may pisikal na kapansanan na magtrabaho at manirahan sa kalawakan.

Sinabi ng 22-nation agency na pinili nito ang dating British Paralympic sprinter na si John McFall bilang bahagi ng isang bagong henerasyon sa 17 recruits na pinili para magsanay bilang astronaut.

Kasunod ng isang motorcycle accident na humantong sa pagkaputol ng kaniyang kanang paa sa edad na 19, nagpatuloy si McFall upang manalo ng 100-meters Bronze Medal sa Beijing Paralympic Games noong 2008.

Makikibahagi siya sa isang feasibility study na idinisenyo upang payagan ang ESA na masuri ang mga kondisyong kailangan para sa mga taong may mga kapansanan upang makilahok sa mga misyon sa hinaharap.

Sasamahan niya sa pagsasanay ang limang bagong career astronaut at 11 reserve pagkatapos na mapunan ng ESA ang astronaut ranks nito sa unang pagkakataon mula noong 2009.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *