Escudero: bigyan ng katiyakan ang mga magsasaka kaugnay ang RCEP

Iminungkahi ni Senator Francis “Chiz” Escudero na kailangan umanong gumawa ng hakbang ang gobyerno para tiyaking sa mga lokal na magsasaka at iba pang stakeholders sa sektor ng agrikultura, na ang pakikilahok ng bansa sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), ay walang magiging negatibong epekto sa hinaharap.

Sa gitna nito, nilinaw ni Escudero na hindi naman siya tutol sa ratipikasyon ng RCEP, pero inaming pinag-aaralan pa niya ang komite report ng naturang panukala.

Paliwanag ng senador, ito ay isang treaty na mararatipikahan lang o mababasura sa Senado, at hindi umano ito gaya ng isang batas na maaring maamyendahan o mabago.

Sa ibang salita, ‘take it or leave it’ ika nga umano ang mangyayari, kaya dapat umanong timbangin ng mabuti kung ang mga advantages ng pagkakaroon ng RCEP ay mas malaki ang benepisyo kaysa sa negatibong maidudulot sa bansa.

Una nito, noong February 15, pormal nang inisponsoran nina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang committee report para sa mega free trade deal sa plenaryo ng Senador, kung saan 16 na mga senador ang lumagda, na kinabibilangan nina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, Senators Francis Tolentino, Robin Padilla, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Manuel “Lito” Lapid, Ramon “Bong” Revilla, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Joseph Victor “JV” Ejercito, Nancy Binay, Ronald “Bato” Dela Rosa, at Grace Poe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *