Escudero, kinuwestiyon si Dela Rosa sa pagsama ng kababaihan sa ROTC

Kinuwestiyon ng isang mambabatas si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang panukala na isama ang kababaihan sa pagsasanay sa ilalim ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) bill.

Read More:  Destabilization plot on Independence Day? Palace, PNP say no confirmed threat

Ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero, sa panahon niya lalaki lamang ang kinakailangang sumailalim sa lumang Citizen Military Training.

Dagdag pa ni Escudero, walang datos na nagsasabing ang mga babae ay magiging kapantay ng mga lalaki kapag sumali ang mga ito sa ROTC.

Read More:  Ex-SP Pimentel says Senate leadership change is ‘Valid’

Mababatid na ang panukala ay nag-uutos sa lahat ng mga mag-aaral sa Higher Educational Institutions at Technical Vocational Institutions na dumaan sa basic military training para sila’y makapagtapos ng pag-aaral.